Ayon kina Sam, Sofia, Zoerya, Aaron
Mentor: T. Juan
dispypexhibition2013.weebly.com/filipino.html

Photo taken http://www.universetoday.com/81977/causes-of-air-pollution/
Ang air pollution ay mararanasan sa buong bansa, ito ay mga masamang hangin na humahalo sa malinis na hangin. Maaapektuhan nito ang ating kalikasan na maaring magdulot ng iba’t ibang kalamidad. Mararanasan ng buong bansa ang pag babago bago ng panahon.
Maaari ding masira ang ating ozone layer na magpapalakas ng epekto ng pagkakaroon ng sobrang pag init ng mundo. Dahil din sa global warming ang mga hayop, halaman, at maging sa ating mga tao maari tayong makaranas ng sakuna na hindi natin maiiwasan. Maaari ding dahil sa air pollution na may kasamang nakakalasong kemikal ay makapatay ng tao. Nagmumula ang polusyon sa hangin sa mga sasakyan , pabrika , at sa mga taong naninigarilyo at nagsisiga ng kanilang mga basura na nakakaapekto sa ating inang kalikasan. Tayo ang nagsimula ng polusyon at tayo rin lamang ang maaaring makakapagpatigil o magpahinto nito. Maihihinto ito sa maraming paraan at nakadepende sayo ang lahat ng ito.